MANILA, Philippines – Iniimbitahan ng Commission on Election (Comelec) ang isang beauty contestant sa isang noontime show na umaming walang kamalayan patungkol sa Comelec.
Sa pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, darating ang contestant bukas, Marso 4, mula Pampanga.
Sa nasabing noontime show, tinanong ng host ang 20-anyos na contestant kung ano ang mensahe nito sa Comelec na sinagot naman ng, “I’m sorry po hindi ako masyadong knowledgeable sa Comelec.”
Sinabi rin niya na hindi pa siya bumoboto.
“We fully understand her. Maaaring madami pa na katulad niya na kabataan o mga Filipino. It is our solemn duty to explain who are and what we are doing.”
“If she is converted as a believer, then we can perhaps do the same for others. Voters education is the key,” sinabi ni Garcia.
“For our full undersatnding as to why. It is our failure. We have to immediately rectify,” dagdag pa ni Garcia.
Ang nasabing pangyayari ay naging usapan ngayon sa social media at umani ng kaliwat kanan batikos sa social media. Jocelyn Tabangcura-Domenden