Home NATIONWIDE #WalangPasok, Marso 6, sa malaimpyernong init

#WalangPasok, Marso 6, sa malaimpyernong init

110
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang lugar sa Huwebes, Marso 6, 2025, dahil sa inaasahang matinding init.

Sa Cavite, kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Bacoor, Cavite City, at Kawit, para sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ganito rin ang sitwasyon sa Pasay City, Cabuyao, at Calamba, Laguna.

Sa San Jose del Monte, Bulacan, suspendido ang face-to-face classes mula kindergarten hanggang senior high school sa Marso 6 at 7.

Sa Candaba, Pampanga, tanging afternoon classes sa lahat ng antas ang kanselado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here