Home NATIONWIDE P139M lotto jackpots mailap sa mananaya

P139M lotto jackpots mailap sa mananaya

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit P106 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos walang nanalo sa major lotto draws noong Miyerkules, Marso 5, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning numbers para sa P106,752,480 jackpot ay 13-49-48-30-17-03.

Samantala, wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng P32,987,800.80, kung saan ang tamang kombinasyon ay 02-41-11-24-03-36. RNT