MANILA, Philippines – Apektado ng Amihan ang extreme Northern Luzon habang ang Easterlies ang nakakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Inaasahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, na may posibilidad ng flash floods o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. Sa Batanes, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pag-ulan ang mararanasan, ngunit walang inaasahang malaking epekto.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog, na may posibilidad ng flash floods o pagguho ng lupa sa matitinding pag-ulan.
Malakas ang ihip ng hangin sa extreme Northern Luzon na may maalon na karagatan, habang katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Northern Luzon.
Sa iba pang bahagi ng bansa, banayad hanggang katamtamang hangin at bahagyang hanggang katamtamang pag-alon ang mararanasan. RNT