Home METRO 5 aso utas sa lason ng kapitbahay sa Elyu

5 aso utas sa lason ng kapitbahay sa Elyu

Agoo, La Union — Nagluluksa si Kate Bulacan matapos mamatay ang lima niyang alagang aso na hinihinalang nilason ng kapitbahay.

Natagpuan ang isa sa mga aso nitong Sabado na patay sa likod ng kanilang bahay, katabi ang lalagyan ng pagkaing hinihinalang may lason. Nang suriin ang iba pa niyang aso, lahat ay wala nang buhay at may bumubulang bibig.

Hinala ni Bulacan, isa sa mga kapitbahay na may alagang panabong na manok ang responsable, dahil sa akusasyon na pinapatay umano ng kanyang mga aso ang mga manok. Giit ni Bulacan, dapat idinaan sa barangay kung may reklamo.

Desidido siyang magsampa ng reklamo para sa hustisya ng kanyang mga alaga, lalo na sa kanyang Mini Pinscher na itinuturing niyang kasama sa bahay. RNT