Makati City — Inaresto ang isang 36-anyos na worship leader sa Makati City dahil sa kasong panggagahasa ng menor de edad na estudyante sa paaralang dating pinagtuturuan ng kanyang asawa.
Naaresto ang suspek sa isang café sa Chino Roces Avenue nitong Lunes, matapos magtago sa Bulacan noong Oktubre 2024. Ayon sa PNP, nangyari ang pang-aabuso noong Hunyo at Agosto ng nakaraang taon.
Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng statutory rape na walang piyansa, apat na bilang ng sexual assault na may piyansang PHP720,000, at apat na bilang ng acts of lasciviousness na may piyansang PHP180,000 bawat isa.
Nagpaalala ang PNP sa mga magulang na maging mapagmatyag at panatilihing bukas ang komunikasyon sa kanilang mga anak. RNT