Home ENTERTAINMENT Mavy at Ashley, nagli-live in na?

Mavy at Ashley, nagli-live in na?

Manila, Philippines- Mukhang cause for alarm ang balitang Mavy Legaspi and Ashley Ortega are shacked up together.

Meaning, nagli-live in na!

Viral kasi ang kanilang TikTok video kung saan spotted sila sa mall sa Rockwell, Makati.

On a shopping spree ang magkasintahan.

Bale ba, puro mga gamit sa bahay ang pinamili nila.

Lalo pang naintriga ang mga netizens nang bumili sila ng malaking unan.

Bingo…inisip ng mga netizens na nagli-live in nga sila!

Pero in fairness, isang piraso lang ‘yon ng pillow.

Kung totoo nga kasing nagli-live in na sila, they should have bought two pillows!

Besides, kahit 24 and 26 years old na sina Mavy at Ashley, respectively ay nungkang pumayag ang kanilang mga magulang sa ganoong setup.

Nag-shopping lang ng unan, nagli-live in na agad?

Oh, my God! Ronnie Carrasco III