MANILA, Philippines- Bumaba sa 1.94 milyon ang mga Filipino na walang trabaho nitong Pebrero 2025.
Ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho o kabuhayan ay bumaba nitong Pebrero ng taong kasalukuyan, ito’y sa gitna ng ‘induced seasonality’ sanhi ng election-related demand para sa paggawa at hot dry season-driven activities, ayon sa resulta ng pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang napaulat na unemployed persons, may edad na 15 pataas, ay bumaba sa 1.94 million sa second month ng 2024.
Ito ay mas mababa ng 228,000 kumpara sa 2.16 million jobless individuals noong January 2025.
Bilang porsyento ng 51.09 million participants sa labor force, na aktibong naghahanap para sa labor opportunities sa nasabing panahon, ang bilang ng mga jobless persons ay may pakahuluganan na unemployment rate na 3.8%, bumaba mula sa 4.3% month-on-month.
Upang ilarawan, ang unemployment rate na 3.8% ay nangangahulugan na 38 mula sa 1,000 indibidwal na walang hanapbuhay o kabuhayan noong February 2025.
Ang unemployment rate ng bansa ay nananatili sa Asian peers, kabilang na ang Malaysia (3.1%) at Vietnam (2.2%), at mas mababa kaysa sa Tsina (5.4%) at India (6.4%).
Ang bilang ng employed persons sa second month ng 2025, sa kabilang dako, tumaas sa 668,000 sa 49.15 million mula 48.49 million month-on-month.
Ito ay katumbas ng employment rate na 96.2%, tumaas mula 95.7% nitong January 2025.
Iniuugnay ito ni Mapa sa positibong labor market data sa year-on-year rise sa employed persons sa accommodation at food service activities na kinakitaan ng pagtaas ng 377,000.
“This could be an effect of [seasonality] going towards the summer holidays,” ayon kay Mapa.
Nakita rin ng statistics agency na ang election-related activities ay bunsod ng pagtaas sa employment.
“In February, we saw a pickup in those employed by political organizations at about 41,000… we are seeing this, most probably, will continue until May and that in a way induced seasonality,” ang sinabi ni Mapa.
Samantala, natuklasan din sa resulta ng Labor Force Survey na ang services sector ay nagpapatuloy para makapangyari sa labor market, katumbas ito ng 61.6% ng kabuuang employed persons noong February 2022.
Ang agriculture ay 20.1% share at ang industry sectors ay 18.3% naman.
Ang top five sub-sectors na may pinakamalaking pagtaas sa employed persons month-on-month ay ang mga sumusunod:
Wholesale at retail trade; Pagkumpuni ng motor vehicles at motorcycles – 620,000
Construction – 434,000
Manufacturing – 225,000
Public administration at defense; compulsory social security – 191,000
Fishing at aquaculture – 147,000
Samantala, ang top five sub-sectors na may pinakamataas na month-on-month na pagbaba sa employed individuals ay ang mga sumusunod:
Agriculture at forestry – 520,000
Administrative at support service activities – 308,000
Transportation at storage – 176,000
Professional, scientific at technical activities – 90,000
Information at communication – 89,000






