Home METRO Holy Week at Easter Triduum rites inilatag ng Archdiocese of Manila

Holy Week at Easter Triduum rites inilatag ng Archdiocese of Manila

301
0

MANILA, Philippines- Naglabas noong Miyerkules ang Archdiocese of Manila ng kopya ngayong taon ng Holy Week at Easter Triduum rites.

“May our communities be nourished and enriched by the solemn and meaningful commemoration of the Paschal Mystery,” sinabi ng Manila archdiocese sa kanilang Facebook post.

Bilang paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem, ang Linggo ng Palaspas ay minarkahan ang simula ng Semana Santa.

Samantala, ang Paschal Triduum o Easter Triduum ay isang tatlong araw na paggunita sa Pasyon, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo.

Minarkahan ito ng pagtatapos ng Panahon ng Kuwaresma at humahantong sa Misa ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoon sa Easter Vigil.

Ayon kay Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, ipinagdiriwang ng Paschal Triduum ang Huling Hapunan tuwing Huwebes Santo, ang Pasyon at Kamatayan ni Kristo tuwing Biyernes Santo, at ang Muling Pagkabuhay ni Kristo tuwing Linggo ng Pagkabuhay.

Sinabi ni Cardinal Quevedo na ang Paschal Triduum ay ipinagdiriwang sa loob ng apat na araw dahil noong panahon ni Hesus, ang isang araw ay tinutukoy mula sa paglubog ng araw hanggang sa paglubog ng araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here