Home SPORTS Technical foul vs Doncic binawi ng NBA

Technical foul vs Doncic binawi ng NBA

INANUNSIYO ng National Basketball Association (NBA) na binawi na ang technical foul na naging dahilan nang pagkaka-eject ni Luka Doncic sa laban ng Los Angeles Lakers kontra Oklahoma City Thunder nitong ng Abril 8.

Matatandaang nagulat ang Lakers at si Doncic matapos siyang mapatalsik sa isang kritikal na bahagi ng laban, kung saan naungusan pa ng kanyang jump shot ang Thunder sa iskor na 108-107.

Ayon sa game official na si J.T. Orr, pinatalsik si Doncic dahil sa umano’y pang-aalipusta nito matapos ang nasabing tira.

Ngunit paliwanag ni Doncic, hindi niya kinakausap ang referee kundi isang heckler na nasa courtside.

Ang insidente ang naging turning point ng laro, kung saan agad namang sinamantala ng Thunder ang pagkawala ni Doncic at tinambakan ang Lakers sa huling bahagi ng laro, 29-12, para maiselyo ang 136-120 na panalo.

Maging si LeBron James ay nagtaka sa desisyong i-eject ang kanyang teammate.

Sa pagkakabawi ng technical foul, pinagtibay ng NBA ang tamang pagsusuri at pagbibigay-hustisya sa mga insidente sa laro—bagama’t huli na para sa Lakers na umaasang makabawi sa darating na mga laban.GP