MANILA, Philippines – Pinasinayaan na ang P11.7 milyong halaga ng proyekto para sa bagong kalsada na magbibigay ng access sa pagbubukas naman ng bagong ospital sa Barangay Pilipog, Cordova, Cebu.
Matatandaan nauna nang naglaan ang lokal na pamahalaan ng nasa P12 milyon para sa pagbili ng ari-arian sa lugar na gagamitin para sa access road.
Nakatakdang makumpleto ang road project kasabay ng municipal hospital sa pagtatapos ng taon. RNT/JGC