Maynila, Pilipinas — Sa pinakabagong Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere para sa halalan ngayong 2025, lumilitaw na mahigpit ang labanan sa pagitan ng mga beteranong party-list at mga bagong sumabak sa politika.
Nangunguna sa survey ang Tingog Party-List na may 5.75% na boto, kasunod ang Ako Bicol na may 5.50%. Parehong inaasahang makakakuha ng tig-dalawang (2) puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, dahil sa malakas na suporta mula sa kani-kanilang rehiyon—Visayas para sa Tingog at Bicol (lalo na sa Albay at Camarines Sur) para sa Ako Bicol.







