Home NATIONWIDE Mag-asawa kinatay ng anak!

Mag-asawa kinatay ng anak!

182
0

GENERAL SANTOS CITY- Tadtad ng taga at wala nang buhay nang matagpuan ang mag-asawa matapos pagtatagain ng kanilang sariling anak na lalaki, iniulat kahapon sa bayan ng Malungon.

Hindi na umabot pang buhay ang mag-asawang 84 at 79-anyos sanhi ng mga taga sa ulo at katawan.

Sumuko naman sa Malinis Detachment Philippine Army base sa Barangay Tamban, Malungon, Sarangani Province ang suspek na 36-anyos nilang anak.

Batay sa report ng Malungon Municipal Police Station, bandang alas-8 ng umaga noong Mayo 1, 2025, naganap ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Purok Dulawon, Sitio Nian, Barangay Tamban, Malungon, Sarangani Province.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa nitong pagpatay sa kanyang mga magulang dahil sa galit.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung gumagamit ito ng iligal na droga para gawin ang karumal-dumal na krimen sa sariling magulang. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here