Home NATIONWIDE PBBM nagbigay-pugay sa cultural icons

PBBM nagbigay-pugay sa cultural icons

MANILA, Philippines- Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa apat na iconic Filipino women na humubog sa diwa ng bansa sa pamamagitan ng sining, musika, pelikula at pagkain.

Sa katunayan, ginawaran ni Pangulong Marcos sina National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor, music legend Pilita Corrales, film icon Gloria Romero, at internationally acclaimed chef Margarita Fores ng Presidential Medal of Merit para sa kanilang malaking kontribusyon at karangalan para sa Pilipinas.

“To Gloria, to Margarita, to Pilita, to Nora—it seems very little but the best we can do, maraming, maraming salamat po,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“You live on in every artist who takes the risk, in every child who has fond dreams, and every citizen who wishes to let the world know what it means to be a Filipino,” dagdag na wika nito.

Aniya pa rin, ang pamana ng awardees ay hindi lamang dahil sa mga parangal na natamo ng mga ito kundi kung paano nila ginamit ang kanilang mga talento para hubugin ang ‘collective identity’ ng bansa.

“They are undeniably icons. But more importantly, we can see that the true quality of their art, of their performances came from the core of them being Filipinos,” ayon kay Pangulong Marcos.

“They are women who spent their lives sharing their gifts and deepening how we understand ourselves through their respective disciplines,” dgadag niya.

Isinagawa ang seremonya ilang araw matapos ilibing ang “Superstar” na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani noong Abril 22 — petsa kung saan idineklara ni Pangulong Marcos bilang National Day of Mourning.

Si Aunor, itinaguyod ang kanyang career sa musika at pelikula, maaalala para sa kanyang ‘powerful portrayals’ sa mga karanasan ng mga Pilipino.

Si Corrales, kilala bilang “Asia’s Queen of Songs,” nakapag-record ng 135 albums sa multiple languages bago pa pumanaw noong April 12 sa edad na 87.

Si Romero, kilala bilang “Queen of Philippine Cinema,” ay maaalala para sa kanyang acting career na nagbibigay-turing sa mga heneasyon ng pelikula at telebisyon. Namatay siya noong Jan. 25.

Habang si Fores, isang influential figure sa modern Filipino cuisine at Asia’s Best Female Chef noong 2016 ay pumanaw noong Feb. 11 matapos matamo ang global recognition para sa pagtataas ng Filipino food sa world stage.

“This accolade is conferred upon them because they have made our national consciousness more visible and to be felt worldwide,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Ang kanilang sining at likha ay hindi lamang naging aliwan ng ating mga kababayan, bagkus naging salamin ng kasaysayan ng bansa, ng bawat Pilipino,” giit pa niya.

Itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 236 (2003), ang Presidential Medal of Merit ay kabilang sa pinakamataas na ‘civilian honors’ ipinagkakaloob sa mga indibidwal na may mahalagang kontribusyon sa ‘national development at cultural identity.’

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang pamilya ng mga awardees sa pagpapahintulot sa bansa na maging bahagi ng kanilang pamana.

“What they contributed to the country cannot even, even be realized, and certainly cannot be paid back, but we will remember and we will pass it on,” ang sinabi pa rin nito.

Samantala, pinaalalahanan naman niya ang mga Pilipino na ang sining at kultura ay hindi lamang alingawngaw ng nakaraan kundi isang mahalagang elemento ng pagkakakilanlan ng bansa na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kinabukasan. Kris Jose