MANILA, Philippines- Umarangkada ang national and local elections ngayong 2025.
Alas-5 pa lamang ng umaga ay mayroon nang maagang nagtungo sa mga eskwelahan kung saan boboto ang mga botante para sa kanilang sinusuportahang kandidato.
Ang senior citizens at PWDs ay sa ground floor ng mga paaralan pinapila upang hindi na mahirapan pa sa kanilang pag-akyat panaog ng hagdan.
Sa Lakandula Elementary School at Benitez Elementary School, ay makikitang napakahaba na rin ng pila ng mga botante sa bawat polling precinct.
Bagama’t maalinsangan ang panahon, matiyagang naghihintay sa pila ang mga botante.









