Home NATIONWIDE PPCRV nanawagan ng volunteers

PPCRV nanawagan ng volunteers

117
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mga boluntaryo habang pinapalakas nito ang kanilang mga operasyon dalawang araw pagkatapos ng 2025 election.

Ito ay matapos makatanggap ang church-based watchdog ng humigit-kumulang 11,800 election returns (ERs) na bumubuo sa 12.71% ng mga ER sa bansa.

Ayon kay Singson, magkakaroon ng 97.38% ng transmitted votes ang PPCRV kapag natapos na ang pagproseso ng datos mula sa Commission on Elections (Comelec).

Umaasa si Singson na magkakaroon ng parehong bilang ng mga boluntaryo ang PPCRV sa 2022 election, na mahigit 400,000 volunteers ang naka-deploy sa field a commander center.

Maaring magparehistro sa link ng PPCRV ang mga interesado.

Samantala, pinasalamatan ang PPCRV volunteers na nahaharap sa ilang mga hamon ngayong halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here