Home HOME BANNER STORY Midyear bonus matatanggap na ng gov’t workers

Midyear bonus matatanggap na ng gov’t workers

143
0

MANILA, Philippines – Simula ngayong Huwebes, Mayo 15, 2025 ay maipamamahagi na ang midyear bonus sa mga manggagawa ng gobyerno, kabilang ang mga civilian, militar, at uniformed personnel.

Ang bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng mga kwalipikadong empleyado.

Nakatakda ang P63.695 bilyon pondo para dito, kung saan P47.587 bilyon ay para sa mga civilian at P16.108 bilyon naman para sa mga militar at uniformed personnel.

Naipamahagi na ang budget sa mga ahensya at lokal na pamahalaan mula pa noong Enero upang maging handa sa pagbabayad.

Dapat ang kwalipikadong empleyado ay nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ngayong taon, patuloy na nagtatrabaho sa gobyerno sa Mayo 15, at may katanggap-tanggap na performance rating.

Saklaw ng midyear bonus ang lahat ng empleyado ng gobyerno, maging permanente, pansamantala, kontraktwal, o halalan, sa lahat ng sangay ng gobyerno pati na rin ang mga militar at uniformed personnel mula sa iba’t ibang ahensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here