MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang National Security Council (NSC) sa Bayan Muna party-list na itigil na ang paninisi sa gobyerno kaugnay ng pagkatalo nila sa nakaraang midterm elections noong Mayo 12.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, “Bayan Muna has no one to blame for its electoral defeat in the past two party-list elections but itself.”
Sa halip na ituro ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bilang dahilan ng kanilang pagkatalo, sinabi ni Malaya na dapat magsagawa ang Bayan Muna ng “self-reflection” upang malaman kung ano ang mga pagkukulang at bakit nawala ang kanilang suporta mula sa publiko sa mga nakaraang eleksyon.
“What is clear is that the usual sloganeering or propaganda no longer works and that the public no longer supports the ideology, issues, and political positions that they stand for,” dagdag pa ni Malaya.
Nauna rito, inilahad ng Bayan Muna na nananatili ang patuloy na pag-atake mula sa gobyerno, partikular mula sa NTF-ELCAC, na nagresulta sa paninirang-puri at red-tagging sa kanilang kampanya. Kris Jose