Home NATIONWIDE Gusali ng Dept. of Energy nagka-brownout habang may presscon

Gusali ng Dept. of Energy nagka-brownout habang may presscon

243
0

MANILA, Philippines – Nagka-brownout ang gusali ng Department of Energy (DOE) sa Taguig City habang nagsasagawa ng press conference si Energy Secretary Raphael Lotilla.

Ayon kay Lotilla, “localized sa gusali” ang brownout na posibleng dulot ng sobrang gamit ng kuryente ng mga kagamitan sa loob.

Ilang minuto lamang ang pagkawala ng kuryente at naibalik agad ito gamit ang backup generator.

Inihayag din ng DOE na may mga tauhan ng Meralco na aayusin ang sira sa fuse box.

Tiniyak ni Lotilla na matatag at maaasahan pa rin ang suplay ng kuryente sa bansa sa kabila ng insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here