Home NATIONWIDE P12M illegal na droga na itinago sa mga parcel, household items naharang...

P12M illegal na droga na itinago sa mga parcel, household items naharang ng BOC

107
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P12 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na nakatago sa mga parsela at gamit sa bahay sa magkakaibang operasyon sa Pasay at Pampanga.

Nabatid sa BOC, naharang ang nasa anim na parsela na may dalang iligal na droga na may tinatayang street value na P4.43 milyon na ipinadala umano sa isang barko at mailing service sa Pasay City nitong nakaraang linggo.

Sinabi ng BOC na ang mga parsela ay idineklarang naglalaman ng mga produkto ng skincare, board game, at plumbing materials, na nagmula sa Ireland, Netherlands, at Thailand.

Gayunpaman, sa isinagawang physical examination ay nabuking na ang mga parsela ay naglalaman ng 1,330 tableta ng ecstasy at 362 gramo ng heroin.

Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang iligal na droga ay itinurn-over sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon at case build-up laban sa mga indibidwal na sangkot, sa posibleng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.

Samantala, sinabi ng ahensya na nakakumpiska din sila ng 1.1 kilo ng “shabu” sa Port of Clark. Ang mga iligal na droga ay may tinatayang street value na P7.5 milyon na nakatago sa samu’t saring undergarments, tea bags, vacuum cleaner, at rice cooker.

Sinabi ng BOC na ang kargamento ay nagmula sa Kuala Lumpur, Malaysia, at inilaan para sa Bacoor, Cavite. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here