MANILA, Philippines- Naharang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao International Airport (DIA) ang isang Nigerian national na nagtangkang pumasok sa bansa na may mga pekeng dokumento.
Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pasahero na si Chinecherem Emmanuel Ike, 20-anyos, na hinarang noong Mayo 17 matapos magpanggap na isang papasok na estudyante sa isang paaralan sa Pilipinas.
Kinumpirma ni Viado na ang dayuhan ay pinabalik sa kanyang pinanggalingan na daungan at ipinagbawal na pumasok muli sa Pilipinas dahil sa kanyang katayuan bilang isang ilegal na dayuhan.
“In addition to the falsified letter claiming he intended to study business administration, the individual presented a dubious email saying that he is coming to the country to study,” giit ni Viado.
“The Bureau remains firm in enforcing immigration laws. We have a duty to ensure that only those who comply with our laws are allowed entry,” dagdag pa ni Viado. JR Reyes