MANILA, Philippines- Mahigit 3,000 Manileño na naninirahan sa Old Sta. Mesa Zip Project at iba pang karatig-komunidad ang nakiisa kamakailan sa ginanap na National Housing Authority (NHA)’s People’s Caravan sa Pamana Multipurpose Building, Brgy. 598, Zone 59, Sta. Mesa, Maynila. Danny Querubin
Isang inisyatiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, ang People’s Caravan: “Serbisyong Dala ay Pag-Asa” ay naglalayong pagsama-samahin ang mga pampubliko at pribadong ahensya upang mailapit ang iba’t ibang mga programa sa mga resettlement sites ng NHA. Danny Querubin