CAIRO — Sinabi ng Israeli military nitong Linggo na napigilan nito ang isang missile na inilunsad mula sa Yemen patungo sa Israel sa pag-atake ng Houthis.
Mula nang sumiklab ang Israel-Hamas war noong October 2023, patuloy ang paglulunsad ng missile ng Iran-aligned Houthis ng Yemen sa Israel sa tinawag nilang pakikiisa sa Palestinians sa Gaza.
Karamihan sa mga missile ng grupo ay kinakapos o napipigilan.
Sinabi ni Houthi military spokesperson Yahya Saree na responsable ang grupo sa pag-atake noong Linggo, idinagdag na naglunsad ito ng missile patungong Ben Gurion Airport malapit sa Tel Aviv.
Inanunsyo ni US President Donald Trump nitong Linggo na ititigil ng US ang pagbomba sa Houthis sa Yemen dahil pumayag ang grupo na itigil ang pag-atake sa US ships sa ilalim ng Oman-mediated ceasefire deal. Subalit, hindi saklaw ng kasunduan ang Israel. RNT/SA