MANILA, Philippines – Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kaligtasan sa kalsada, inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) noong Mayo 26 ang Mobile Motor Vehicle Inspection Facility (MVIF) sa kanilang Central Office sa Quezon City.
Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, binili ang apat na yunit ng MVIF upang matiyak na ang mga pampublikong sasakyan ay ligtas at karapat-dapat sa kalsada, lalo na matapos ang sunod-sunod na aksidente.








