Home NATIONWIDE Pagpapahusay sa programang pangkalusugan suportado ng IOM

Pagpapahusay sa programang pangkalusugan suportado ng IOM

86
0

MANILA, Philippines – Suportado ng International Organization of Migration (IOM) ang panawagan ng Pilipinas sa pagpapahusay ng programa at sistemang pangkalusugan sa buong mundo.

Kasama rito ang pagkakaroon ng matatag na pamantayan sa pagsasanay at ethical recruitment practices ng health workers.

Ang IOM ay binubuo ng mahigit 170 bansa na sinabing panalo sa lahat sa konsepto na isinusulong ng DOH ng Pilipinas kung saan mapapakinabangan ang husay at dedikasyon ng mga Pilipinong health worker ng mga bansang pagsisilbihan nila habang napo-proteksyunan ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Pinuri din ng IOM ang pagsusulong ng Pilipinas ng ligtas at legal na paraan ng migration para sa Pinoy health workers.

Ibinigay ng IOM ang suporta sa 78th World Health Assembly sa Geneva, Switzerland kung saan kabahagi si Health Sec Teodoro Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here