Home METRO DPWH employee arestado sa pananaksak

DPWH employee arestado sa pananaksak

230
0

MANILA, Philippines- Nasakote ng mga pulis ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanaksak umano sa isang lalaki sa labas ng isang video bar sa Barangay Alabang, Muntinlupa noong May 24. 

Kinilala ng Muntinlupa police ang suspek na si alyas Negro, 41, na inakusahang nanaksak kay alyas Geomar, 28, tricycle driver, gamit ang foldable knife matapos silang magtalo sa harap ng Rubie Touch Videoke Bar. 

Agad nagpasaklolo sa mga pulis ang saksi na si “Katrina,” kaya’t nadakip ng mga tauhan ng Alabang sub-station si Negro. 

Dinala ang sugatang si Geomar sa Ospital ng Muntinlupa at kasalukuyang inoobserbahan.

Itinurn-over na ng mga awtoridad ang suspek sa Investigation and Detective Management Section para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here