Home METRO Armadong senglot na ‘war freak’ kalabosoMETRONATIONWIDETOP STORIES Armadong senglot na ‘war freak’ kalabosoMay 27, 2025 19:102210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Bulacan- Arestado ng mga pulis ang isang lalaking lasing na umanoy nagwala habang may bitbit na improvised na baril sa bayan ng San Miguel.Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Allan”.Ayon sa report ng San Miguel police station, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw nitong Mayo 27, sa Brgy. San Vicente.Nabatid sa report na nakatanggap ng ulat ang istasyon mula sa concerned citizen na may lasing na nagwawasiwas ng baril sa lugar.Dahil dito, rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa tumambad sa kanila ang nagwawalang lasing na agad naman naaresto at narekober ang baril.Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III