Home METRO Taguig LGU employee timbog sa P.7M ‘bato’

Taguig LGU employee timbog sa P.7M ‘bato’

220
0

Manila, Philippines – Nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police ang isang 20-anyos na lalaki na tinaguriang high-value individual (HVI) at empleyado ng lokal na pamahalaan ng Taguig, Lunes ng gabi, Mayo 26.

Kinilala ni Taguig City police chief P/Col. Joey Goforth ang suspek na si alyas Erwin, isang kawani ng lokal na pamahalaan na nakatalaga sa Flood Management Office (FMO).

Batay sa ulat ni Goforth kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles, nadakip ang suspek dakong alas-8:40 ng gabi sa Barangay Rizal, Taguig City.

Ayon kay Goforth, nasamsam mula kay alyas Erwin ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet at isang karagdagang sachet na naglalaman ng kabuuang 104.7 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱711,960.

Narekober din mula sa kanya ang ₱500 marked money at anim na tig-₱1,000 boodle money na ginamit sa buy-bust operation, gayundin ang isang karton na kahon.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit upang isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Taguig City Police.

“This arrest is a testament to our continued commitment to eliminate illegal drugs from our communities. The Southern Police District will remain relentless in its operations to ensure public safety and hold offenders accountable. We will not let up in this fight,” pahayag ni Gen. Arguelles. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here