DAVAO DEL SUR- Laglag sa mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang umano’y gunrunner at nakuhanan ng 10 baril sa buy-bust operation, iniulat kahapon sa lungsod ng Digos.
Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, nadakip ang suspek na kinilala sa pangalan Hassan, at residente ng Barangay Linuk, ng nasabing bayan.
Batay sa report, ikinasa ang operasyon laban sa suspek noong Mayo 26, 2025 sa Barangay Zone-3, Digos City.
Narekober sa suspek ang isang 9mm sub-machine gun at siyam na 9mm revolver.
Sinabi pa ng pulisya na sangkot ang suspek sa pagbebenta ng mga loose firearm mula Lanao del Sur patungo sa iba’t ibang kliyente, kabilang ang ilang pulitiko sa Mindanao.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinasalamatan ni Torre ang lahat ng unit sa matagumpay na operasyon. Mary Anne Sapico