Home METRO Borongan City isinailalim sa state of calamity sa ASF

Borongan City isinailalim sa state of calamity sa ASF

215
0

TACLOBAN CITY- Isinailalim sa state of calamity ang Borongan City, Eastern Samar bunsod ng pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF), matapos lagdaan ang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa Resolution No. 55, Series of 2025, na inilabas noong Mayo 14 sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakasaad ang pagbibigay ng agarang tulong-pinansyal sa mga apektado sa pamamagitan ng Quick Response Fund ng lungsod.

Apektado ng ASF ang 12 barangay at 34 hog raisers sa lungsod.

Patuloy naman ang pagsubaybay at pag-assess ng City Veterinary Office sa mga apektadong lugar sa lungsod pati na ang pamamahagi ng ayuda. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here