MANILA, Philippines- Nagdaos ng konsyerto ang Atin Ito Coalition sa baybaying sakop ng Pagasa Island nitong Miyerkules bilang bahagi ng ikatlong civilian mission sa West Philippine Sea (WPS).
Sa kabila ito ng masamang lagay ng panahon at pagsunod ng Chinese vessel sa barko ng Atin Ito.
Ang convoy ng civilian-led mission ay magpapatuloy na maglalayag malapit sa Pagasa Island ayon kay Emman Hizon, isa sa mga organizer.
Sa hiwalay na pahayag, inanunsyo ng Atin Ito na ang matagumpay na pagtapos ng kauna-unahang concert na isinagawa sa WPS .
Sa kabila aniya ng pagbuntot sa kanila ng Chinese marine vessels ay nanindigan sila at ang kanilang mga artist ay kumanta hindi lamang para magbigay ng kaaliwan, kundi para lumaban, magkaisa at magbigay ng inspirasyon.
Idinaos din ang simbolikong seremonya ng pagtataas ng watawat sa barko ng Atin Ito bilang pagdiriwang ng National Flag Day.
Naghatid din ng mga suplay sa mga mangingisda sa lugar.
Sinabi ng Atin Ito na ang “Concert at Sea for Peace” ay magsisilbing plataporma para sa mga artista, musikero at mangingsida mula sa iba’t ibang bansang nang-aangkin upang magsama-samang isulong ang kapayapaan, pagpapalitan ng kultura, at pakakaisa sa rehiyon sa pamamagitan ng musika at sining. Jocelyn Tabangcura-Domenden