Home METRO Iloilo City logs nakapagtala ng unang kaso ng mpox

Iloilo City logs nakapagtala ng unang kaso ng mpox

89
0

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Iloilo City Health Office (CHO) nitong Martes ang unang nitong kaso ng monkeypox (mpox), kung saan apat pang hinihinalang kaso ang kasalukuyang inoobserbahan.

Sinabi ni CHO head Dr. Mary Ann Diaz na kasalukuyang naka-isolate ang limang indibidawal at nasa maayos na kalagayan.

“Since we now have one confirmed case, it is important to observe proper hygiene, wash hands frequently with soap, and use alcohol-based sanitizers,” pahayag ni Dr. Diaz. 

Pinayuhan din ni Dr. Diaz ang publiko na umiwas sa mataong lugar upang maibsan ang skin-to-skin contact at agad magpakonsulta  at magself-isolate sakaling magkaroon ng sintomas.

Kabilang sa mga sintomas ng mpox, isang viral disease na tulad ng tigdas subalit mas malala, ang lagnat, matinding sakit ng ulo, muscle pain, back pain, swollen lymph nodes, mababang enerhiya, at skin rashes.

Samantala, sinabi ni Dr. Diaz na walang travel history ng bagong kaso, at sa kasalukuyan ay walang ebidensya ng malawakang community transmission. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here