MANILA, Philippines- Dahil sa kawalan ng ebidensya at teknikalidad, tulayang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang disqualification petition na inihain ni Virgilio Garcia laban sa magkakamag-anak na Tulfo.
“Denied sa kawalan ng ebidenysa sa isyu ng citizenship at procedural technicality,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Kabilang sa mga respondent sa petisyon sina Senator-elect Erwin Tulfo, Ben Tulfo na kumandidato sa pagka-senador, Congresswoman Jocelyn Tulfo at anak na si Cong. Ralph Tulfo.
Iginiit sa petisyon na ang mga nabanggit ay kamag-anak ni incumbent Senator Raffy Tulfo kung saan nakasaad sa Konstitusyon na bawal ang political dynasty o magkakamag-anak na nakaupo sa halal na posisyon sa gobyerno.
Isa rin sa kinuwestiyon ng petitioner ang citizenhip ni Senator-elect Erwin Tulfo pero ayon sa komisyon, bigo ang petitioner na patunayan ang alegasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden