Home OPINION ‘PROPESYONAL’ DAW ANG AFP, SABI NI GEN. BRAWNER

‘PROPESYONAL’ DAW ANG AFP, SABI NI GEN. BRAWNER

210
0

MARAMI ang nagulat sa inilabas na pahayag ni Armed Forces of the Philippines Chief, General Romeo Brawner nitong Miyerkules kung saan tiniyak niyang “walang kudeta” hanggang siya ang nasa poder ng ating Sandatahang Lakas.

Para kasi sa ordinaryong Pinoy na ang isip ay okupado kung paano maitatawid ang pang-araw araw nilang pamumuhay sa kawalan ng oportunidad sa ngayon, sadyang nakapagtataka ang tinuran ni Brawner.

Kumbaga, mistulang kinumpirma ni Brawner na may mga elemento sa AFP na disgustado na sa tinatakbo ng ating bansa at sa liderato niya— sentimyento na ipinakita ng mga ordinaryong pulis at sundalo sa resulta ng ‘local absentee voting’ kung saan ibinasura nila ang buong tiket ng administrasyon pabor sa mga inendorso ni Former President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa kay Brawner, nanatiling ‘strong, professional and firmly loyal to the chain of command’ ang buong AFP. Idinagdag pa niya: “We are a disciplined institution, grounded in respect for the Constitution, civilian authority and the rule of law,” mga pahayag na marami ang napatawa.

Bakit kanyo? Kailan pa (raw) naging disiplinado at propesyonal ang AFP sa ilalim niya samantalang kinaladkad niya ito sa pulitika nang nakipagsabwatan ang AFP sa iligal na pagpapatapon kay PDU30 sa The Hague noon lang Marso 11?

Eh, pagkagaling ng Hong Kong, saan ba dinala si FPRRD, hindi ba sa Villamor Air Base na isang base militar?

Sino rin bang doktor ang ‘nag-certify’ na “kaya” ng katawan ni PDU30, edad 80, na bumiyahe ng halos 24-oras papunta sa The Hague kahit kontra ang isang sibilyang doktor? Hindi ba ‘military doctor’ din?

Sa ganang atin naman, “panaginip” lang ng mga walang magawa ‘yang isyu ng kudeta sa ngayon.

Hindi kasi mangyayari ‘yan hangga’t walang “basbas” ng ‘Tadong Unidos. Sa ating kasaysayan bilang “tuta,” ayy, “kaalyado” ni Uncle Sam, hindi ang AFP o mga heneral natin ang magdedesisyon kung mayroong ‘regime change’ na mangyayari.

Si Uncle Sam ang palaging nasusunod d’yan kaya ‘sleep well, everyone,’ yehey!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here