MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na asahan na ng mga Pilipino ang matatag na suplay ng bigas at retail prices sa kabila ng papalapit na lean months dahil sa “good harvest season.”
Ang lean months ay darating pagkatapos ng ‘tail end’ o sa huli ng local harvest season, sakop ang buwan mula Hunyo hanggang Setyembre.
Winika ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na maaaring i-enjoy ng mga mamimili ang katatagan ng P45 per kg. na umiiral na presyo para sa iba’t ibang uri ng bigas.
“Yes, kasi maganda yung harvest natin nitong first four months. Iyong kabuuan ng dry season, maganda yung harvest natin,” ang sinabi ni de Mesa.
Hanggang noong May 26, ang umiiral na presyo ng imported premium at well-milled rice sa Metro Manila ay P45/kg. at P38/kg. para naman sa imported regular-milled rice.
Ang price range ng premium imported rice, ay P43 hanggang P55/kg.; imported well-milled rice mula P40/kg. hanggang P48/kg.; at imported regular milled rice mula P35/kg. hanggang P45/kg.
Ang mga presyo ng premium local rice ay P44/kg. hanggang PHP60/kg.; local well-milled, P38/kg. hanggang P48/kg.; at local regular-milled rice, P33/kg. hanggang P43/kg.; na amy umiiral na presyo na itinakda sa halagang P50/kg., P45/kg., at P40/kg., ayon sa pagkakabanggit.
Gayunman, nagpahayag ng kumpiyansa si De Mesa na matatamaan ang target na local production para ngayong taon sa gitna ng matatag na suplay ng bigas.
“Barring any major weather disturbance hanggang end of the year, we’re expecting to still hit iyong ating target for the year na 20.4 million metric tons,” ang sinabi pa rin ni de Mesa.
“During the first quarter of the year, the country logged 4.699 million metric tons (MT) of rice production,” ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay bahagyang mas mataas kaysa sa 4.685 million MT na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pagdating naman sa rice inventory sa bansa, nakapagtala ang PSA ng 2.34 million metric tons (MT) hanggang noong Abril.
Samantala, sinabi ni De Mesa na nabawasan na ang import arrivals kumpara sa nakalipas na volume o dami ng nakaraang taon nang ang local palay (unhusked rice) production ay nagdusa dahil sa pinagsamang epekto ng El Niño, La Niña, sunod-sunod na disturbances, at pagputok ng Mt. Kanlaon, bukod sa iba pa.
Hanggang noong May 22, nakapagtala ang Bureau of Plant Industry (BPI) ng 313,795 MT import arrivals, may kabuuang 1.7 million MT.
Ang import volume para ngayong buwan ay mas mababa kaysa sa 478,099 MT na naitala noong May 2024.
Kahit pa sa paparating na lean months, sinabi ni De Mesa na malabong makapagtala ng mas mataas na import arrivals.
“Based on the numbers that we have now at kung titingnan iyong trend, most likely if not similar, lower than last year’s importation,” aniya pa rin.
“Again, last year, malaki iyong importation kasi ang palay production was reduced by 1 million metric tons,” dagdag niya.
Pagdating naman sa tariff collection sa imported rice, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit sa 12% na pagtaas noong 2024 mula 2023.
“The country secured more than P34.229 billion in duties last year, higher than P29.9 billion in tariffs collected in 2023,” ayon sa BOC. Kris Jose