Home NATIONWIDE PBBM bumisita sa mga NFA warehouse, nagdaos ng dayalogo sa Bulacan farmers

PBBM bumisita sa mga NFA warehouse, nagdaos ng dayalogo sa Bulacan farmers

246
0

MANILA, Philippines- Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang warehouse ng National Food Authority sa San Idelfonso, Bulacan at pagkatapos ay nagdaos ng dayalogo sa mga magsasaka.

Nagpahayag ng pag-asa ang mga magsasaka na patuloy na bibili ang gobyerno ng bigas mula sa kanila kahit pa tapos na ang panahon ng tag-ani.

Umapela rin ang mga ito na dagdagan o itaas ang buying price ng dry palay o unmilled rice mula P24 kada kilo ay gawing P28.

“Binabalik natin sa dating gawi na yung na yung NFA bumibili, tinitignan yung presyo para maganda ang presyo sa pagbili sa inyo ng palay. Ngayon nga P19 [kapag] fresh [at] P24 pagka tuyo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Inihayag pa ni Pangulong Marcos na pag-aaralan ng gobyerno ang isang pagkakasundo sa rice floor prices, kung saan ang mga magsasaka ay hindi mawawalan ng tubo at kita.

Nangako rin ang Pangulo na paghuhusayin ang pasilidad, daragdagan ang ‘equipment at tracks, at palalakasin ang assistance programs ng mga magsasaka ng Department of Agriculture.

Samantala, inikot naman ng Pangulo ang interior ng dalawang warehouse para i- check ang NFA rice stocks.

Sinabi ng NFA na nagbukas na sila ng 134 warehouse at nakatakdang magdagdag ng 36 ngayong 2025.

Plano rin ng mga ito na magbukas ng Kadiwa Stores sa nasabing warehouse para magbenta ng P20 kada kilo ng bigas.

Target naman ng NFA na maipatupad ang P20-per-kilo rice program sa buong bansa sa 2026.

“We are on the planning stage. Mayroon ng mga technical working groups on how we will implement this on a nationwide scenario,” ang sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here