Home HOME BANNER STORY 3 todas, 7 sugatan sa araro ng truck!

3 todas, 7 sugatan sa araro ng truck!

100
0

MANILA, Philippines- Inararo ng isang truck ang mga tao at sasakyan kung saan nasawi ang tatlong indibidwal at nasugatan ang pito pa sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat, mabilis ang patakbo ng truck driver sa sasakyan habang binabaybay ang kalsada patungong Marikina nang bumaligtad ito sa Batasan-San Mateo road.

Tatlo ang patay at pito ang sugatan matapos araruhin ng 18-wheeler truck ang limang sasakyan sa Batasan-San Mateo Road, Quezon City, pasado alas-11 nitong Miyerkules ng gabi. Video ni Val Leonardo

Matapos bumaligtad, naiwan ang container van, subalit patuloy pa rin ang truck na dumiretso at nabangga ang iba pang mga sasakyan, maging papalapit na mga sasakyan, dahil tumawid ang truck sa kabilang kalsada at nasapul ang iba pang sasakyan.

Naararo ng sasakyan ang pole, AUV, at tatlong motorsiklo.

Ang truck ay may kargang construction materials. 

Sinabi ng 38-anyos na driver na nawalan siya ng kontrol nang pumalya ang preno sa pababang bahagi ng kalsada.

Batay sa mga awtoridad, dead on the spot ang isang lalaking nasa waiting shed.

Todas din ang isang motorcycle rider at isa pang indibidwal na hindi pa inilalantad ang pagkakakilanlan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis ang suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here