Home METRO 3 dedo sa banggaan sa Baguio

3 dedo sa banggaan sa Baguio

261
0

MANILA, Philippines – Tatlong tao ang nasawi matapos mawalan ng kontrol ang isang closed van at bumangga sa ilang sasakyan sa Bokawkan Road, Baguio City noong madaling araw ng Mayo 29.

Ayon sa pulisya, mabilis at nagpagewang-gewang ang van habang pababa ng kalsada, bago nito binangga ang isang utility vehicle at ilang nakaparadang sasakyan.

Patay ang driver at dalawang pahinante na naipit sa loob ng van.

Hindi sila lasing, at posibleng human error ang dahilan ng aksidente, ayon sa pulisya.

Nasa ospital ngayon ang driver ng una nilang nabanggang sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here