Home NATIONWIDE Maximum SRP sa karneng baboy ibabalik ng DA

Maximum SRP sa karneng baboy ibabalik ng DA

255
0

MANILA, Philippines – Ibabalik ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) ng karneng baboy sa huling linggo upang tugunan ang pagtaas ng presyo.

Matatandaang binawi ng DA ang MSRP bunsod ng hiling ng stakeholders noong Mayo 15 kung saan itinakda ang presyo sa PHP380/kg ang liempo, PHP350/kg ang kasim, at PHP300/kg ang sabit-ulo.

“May revised plan na kami at malamang ma-implement namin iyan by the end of July or first week of August at nakakasiguro ko na (and I am sure that) we will make pork available at much cheaper price by then,” ani DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., bibili ang Food Terminal Inc. (FTI) ng direkta mula sa mga farm, sila rin ang magpapakatay at magde-deliver sa retailers.

Layunin nito na bawasan ang middlemen at pababain ang presyo.

May paunang pondo na ang FTI at humihingi ng PHP500M dagdag pondo para sa malawakang rollout. Saklaw ng plano ang Metro Manila hanggang Enero 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here