MANILA, Philippines – Magiging libre ang toll sa Skyway Stage 3 at NLEX Connector Road simula Hunyo 13 bilang tugon sa pagsisimula ng EDSA rebuild project.
Tatagal ito hanggang matapos ang proyekto sa 2027.
Nagpasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa San Miguel Corporation (SMC) Tollways at Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).
“Nais nating magpasalamat sa SMC at MPTC sa pangunguna nina Mr. Ramon Ang at Mr. Manny Pangilinan dahil handa silang isantabi ang arawang kita mula sa toll upang matulungan ang pamahalaan at ating mga kababayan,” ayon sa DOTr.
Layunin ng hakbang na mapagaan ang trapiko habang isinasagawa ang pagkukumpuni ng kalsada, drainage, at pedestrian facilities sa EDSA.
Pinayuhan din ang mga motorista na gumamit ng Mabuhay Lanes bilang alternatibong ruta. RNT