MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang Mt. Apo, pinakamataas na bundok sa Pilipinas, mula Hunyo hanggang Agosto 2025 para sa taunang rehabilitasyon, ayon sa Digos City Tourism Office.
Kasabay ng pagsasara ang panahon ng pagpaparami ng mga hayop sa bundok upang mapangalagaan ang likas na yaman at ekosistema nito.
Muling bubuksan ang mga trail sa Setyembre.
Kamakailan, isang 70 taong gulang na lola ang matagumpay na nakaakyat sa tuktok, na naging inspirasyon sa mga naglalakbay sa lahat ng edad. RNT