Home NATIONWIDE Ilang dagdag-taripa ni Trump sinopla ng US trade court

Ilang dagdag-taripa ni Trump sinopla ng US trade court

235
0

USA – Ipinag-utos ng isang US federal trade court ang pagpigil sa karamihan ng mga taripa ni dating Pangulong Donald Trump, na isang malaking dagok sa kanyang mga trade policy.

Nilalayon ng mga taripa na pilitin ang ibang bansa na makipag-negosasyon sa pamamagitan ng pag-impose ng buwis sa mga inaangkat.

Ngunit pinawalang bisa ito ng hukuman dahil lumabis umano si Trump sa kanyang kapangyarihan sa ilalim ng International Emergency Economic Powers Act (IEEPA).

Binatikos ng White House ang desisyon bilang pakikialam ng mga “hindi nahalal na hukom” at agad na nag-apela.

Ayon sa mga kritiko, iligal ang paggamit ni Trump sa kapangyarihan nito, habang ipinaliwanag naman ni Trump na kinakailangan ito para sa interes ng Amerika.

Nagbabala ang mga eksperto na maaaring tumaas ang presyo ng mga produkto at magdulot ng pagtaas ng inflation dahil sa mga taripa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here