Home HOME BANNER STORY Lahat ng naiulat na kaso ng Mpox sa Pinas, mild – DOH

Lahat ng naiulat na kaso ng Mpox sa Pinas, mild – DOH

244
0

MANILA, Philippines- Nasa mas banayad na variant ng Clade II, hindi ang mas mapanganib na Clade I, ang lahat ng kumpirmadong kaso ng monkeypox (Mpox) sa bansa, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa.

Nilinaw ni Herbosa na ang Clade II ay hindi nagpapakita ng parehong banta tulad ng Clade I, na nag-trigger sa global public health emergency.

Paliwanag ni Herbosa, ang Clade II ay hindi ang mpox na may public health emergency na may international concern.

Aniya, binabantayan nila ang Mpox Clade IB sa Pilipinas ngunit wala pa silang nakikita.

Ayon pa kay Herbosa, ang Clade II ay karaniwang banayad at kusa nitong nalulutas.

Nilinaw din ng kalihim ang iniulat na Mpox-related deaths na hindi ito dahil sa Mpox kundi namatay sa advanced HIV. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here