Nanawagan ang World Health Organization (WHO) ng pandaigdigang pagbabawal sa mga flavored na tobacco at nicotine products dahil sa panganib nito sa kalusugan ng kabataan.
Kasabay ng World No Tobacco Day ngayong Mayo 31, inilabas ng WHO ang ulat na nagpapakita kung paanong ginagamit ang mga lasa tulad ng menthol, bubble gum, at cotton candy para makaakit ng kabataan.
Ayon sa WHO, ang mga flavor at marketing strategy tulad ng click-on filters ay nagpapalakas ng adiksyon.
Bagama’t higit 50 bansa ang may ban na sa flavored tobacco, nananawagan ang WHO ng mas mahigpit at pandaigdigang regulasyon upang mapigilan ang lumalalang krisis sa kalusugan. RNT