MANILA, Philippines – Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Gilas Pilipinas Youth sa pagkakapanalo ng gintong medalya sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers matapos talunin ang Indonesia, 70-40.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na patunay ito sa husay at determinasyon ng kabataang Pilipino.
“Isang malaking saludo sa Gilas Pilipinas Youth! Congratulations on your dominant 6-0 run and the gold medal at the U16 SEABA Qualifiers,” anang Pangulo.
“Isang malinaw na patunay na ang galing at determinasyon ng kabataang Pilipino ay walang kapantay,” dagdag pa niya.
Tiniyak rin niyang suportado ng bansa ang Gilas sa susunod na laban sa FIBA Asia Cup sa Mongolia sa Hulyo.
Pinangunahan ni Coach LA Tenorio, nagtala ang Gilas ng 6-0 record sa torneo na may average winning margin na 39 puntos. RNT