MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na impormasyon online na may lockdown umano sa bansa dahil sa monkeypox o Mpox.
Ayon sa DOH, hindi ito kailangan dahil ang Mpox ay hindi airborne.
Paliwanag ng ahensya, mas mataas ang kaso noong Abril kaysa Mayo at mas aktibo lamang ngayon ang mga LGU sa pag-uulat kaya nabibigyang pansin.
Tanging mas banayad na Clade II variant ng Mpox ang naitala, na may mas mababang mortality rate kumpara sa Clade I-b.
Hinikayat ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa kanilang opisyal na social media accounts. RNT