Home LIFESTYLE HEALTH Vape ban at sin tax muling ipinanawagan ng DOH

Vape ban at sin tax muling ipinanawagan ng DOH

213
0

MANILA, Philippines – Sa paggunita ng World No Tobacco Day at National No Smoking Month, muling nanawagan si Health Secretary Teodoro Herbosa na ipagbawal ang vape at taasan ang buwis sa sigarilyo.

Sa isang event sa Philippine Heart Center, ibinahagi ni Herbosa ang personal niyang karanasan bilang dating naninigarilyo at ang naging epekto nito sa kanyang ama. Giit niya, kailangang protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagbebenta ng vape at sigarilyo sa kanila.

Hinimok din niya ang Kongreso na ipasa ang panukalang plain packaging para sa sigarilyo at electronic smoking devices.

Pumanig dito ang ASH Philippines at Philippine College of Chest Physicians, na nanawagan ng brown uniform packaging na may 90% health warnings, at mahigpit na regulasyon sa e-cigarettes upang hindi maakit ang kabataan sa bisyong ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here