Home METRO Vlogger na si ‘Boy Tapang’ muling inaresto

Vlogger na si ‘Boy Tapang’ muling inaresto

425
0

CEBU CITY- Sa kaparehong kasong pananakit, muling naaresto ang kilalang vlogger na si Ronie Suan, alyas “Boy Tapang,” na una nang nadakip dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner.

Sa report ng Cebu City Police Office, sumuko si Ronie Suan, 25, sa mga awtoridad noong Mayo 30 at pansamantalang pinalaya matapos maglagak ng P72,000 piyansa.

Ang warrant ay inisyu ng RTC Branch 143 sa Cainta, Rizal sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ito na ang ikalawang beses na siya ay naaresto sa parehong reklamo.

Unang inaresto si Suan sa Alcoy, Cebu noong Abril 1, matapos ireklamo ng kanyang live-in partner.

Iniurong ng live-in partner nito ang kaso subalit itinuloy pa rin ito ng prosecutor’s office sa Argao.

Ayon sa pulisya, ang bagong reklamo ay inihain ng isang babaeng vlogger.

Si Suan ay may higit limang milyong followers sa Facebook. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here