Home ENTERTAINMENT Film festival para sa mga alagang hayop, inilunsad!

Film festival para sa mga alagang hayop, inilunsad!

205
0

Manila, Philippines – Magiging masaya ang mga pet lovers tulad nila Carla Abellana at Heart Evangelista nang sinimulan ng Unleash HQ ang UNLEASH Pawscars Short Film Festival.

Ang mga hurado sa nasabing film festival ay sina Direk Joseph Abello, Direk Arvin Belarmino, at Direk Jose Javier Reyes.

Ipinagdiriwang ng Unleash ang makapangyarihang ugnayan ng mga alagang hayop at ng tao sa pamamagitan ng mahika ng pelikula.

Ito ang malaking anunsyo para sa mga mahilig sa pelikula at mga fur-parents!

“Ihahanda na namin ang red carpet (at baka pati na rin ang ilang chew toys),” sabi ng chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Direk Jose Javier “Joey” Reyes — isang haligi ng industriya, multi-awarded filmmaker, screenwriter, at mento. Si Reyes ang magiging head of jury ng UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025!

Si Direk Joey ay may mahigit 40 pelikula at napakaraming TV script na nagawa sa kanyang pangalan at isa rinsa mga pinaka-minamahal na boses sa pelikulang Pilipino.

Ngayon, ibinabahagi niya ang kanyang husay sa pagkukuwento upang matulungan ang film festival na hanapin ang pinaka-kakaibang pelikula na naglalarawan ng kwento ng tao at alagang hayop.

Bukas ito sa lahat ng filmmakers, storytellers, at mga pet lovers sa buong bansa.

I-submit ang iyong short film at magkaroon ng pagkakataong manalo ng premyo, pagkilala, at mahusgahan ng ilan sa pinakarespetadong creative minds (at pet lovers) sa bansa!

Kung ikaw man ay nasa likod ng kamera o simpleng mahilig sa mga nakakaantig na pelikulang tungkol sa alaga, ang festival na ito ay para sa iyo.

Ihanda na ang sarili para sa isang film festival na tiyak magpapatahol, magpapa-meow at tatagos sa puso!

Ang tema na Unleash the Love ay naghahanap ng short films (10–20 minuto) na magpapakita ng puso, gulo, at saya na dala ng mga alaga sa ating buhay.

Bukas sa lahat ng Pilipino ang festival saan mang panig ng mundo.

Anumang genre at anumang wika basta’t lagyan lang ng English subtitles.

Ang submission period ay mula ngayon hanggang Agosto 31, 2025. Awards Night will be on December 14, 2025.

Mahigit P300,000 na halaga ng premyo ang mapapanalunan at may pagkakataon pang ma-feature sa UNLEASH app at social media platforms. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here