Home OPINION MATATAG NA PANANALAPI AT SERBISYONG TAPAT SA MGA MIYEMBRO NG PAG-IBIG...

MATATAG NA PANANALAPI AT SERBISYONG TAPAT SA MGA MIYEMBRO NG PAG-IBIG FUND

299
0

INILABAS kamakailan ng Home Development and Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund ang pinakahuling datos na umabot sa Php 2.73 bilyon ang kinita ng ahensya mula sa mga pamumuhunan sa unang apat na buwan ng 2025, isang napakalaking pagtaas ng 50 porsyento mula sa Php 1.81 bilyon sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ganitong paglago ay nag­papatunay na masusing ang pagpaplano at responsableng pa­ngangasiwa ng pananalapi sa ilalim ng pamumuno ni Chief Exe­cutive Officer Marilene Acosta ng Pag-IBIG Fund.

Malinaw ang isinusulong na adbokasiya ni CEO Acosta, una­hin ang pabahay, tiyakin ang aga­rang tulong pinansyal, at ipuwesto nang maingat ang na­titirang pondo sa mga ligtas ngunit kapaki-pakinabang na ins­trumento.

Isinusulong at ipinatutupad ng Pag-IBIG Fund sa pamamahala ni CEO Acosta ang isang mo­delo ng serbisyo-publiko na ba­lanse, disiplinado, at nakabatay sa estratehikong pamamahala ng yaman. Ito ay isang kulturang nararapat tularan ng iba pang ahensya ng pamahalaan, lalo na yaong may hawak ng pondong publiko.

Pormal nang umupo si De­partment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) secretary Jose Ramon Ali­ling bilang bagong chairperson ng Board of Trustees, inaasa­hang higit pang paiigtingin ang ugnayan ng Pag-IBIG Fund sa mga layunin ng Marcos administration. Sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno na may adhikaing palakasin ang mga institusyong pinansyal ng pamahalaan, mahalaga ang papel ng Pag-IBIG Fund hindi lang sa pabahay kundi sa kabuuang kalagayang panli­punan at pang-ekonomiya ng ma­mamayan.

Ang paglago ng kita at asset ng Pag-IBIG Fund ay magandang balita. Dapat itong magsilbing paalala na sa tamang pamumuno at tapat na layunin, kaya ng isang institusyong pampubliko na magtagumpay nang hindi kinakalakal ang serbisyo o kinakaligtaan ang kapakanan ng kanyang stakeholders.

Ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay nananawagan na ipagpatuloy ang disente, epek­tibo, at makataong pamumuno sa loob ng Pag-IBIG Fund. Patuloy na gawing sentro ng bawat polisiya ang karaniwang Filipino. At huwag hayaang ang tagumpay sa papel ay mauwi sa paglimot sa tunay na misyon—ang maglingkod. At magpapatuloy lamang ito sa pamumuno ni CEO Acosta.

Sa isang bansa kung saan marami ang nawalan ng tiwala, sana’y maging ehemplo ang Pag-IBIG Fund na ang tunay na pagbabago ay posible, at ang pagmamahal sa bayan ay maaaring isabuhay sa pamahalaan, sa pamumuno, at sa serbisyong tapat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here